POSITIVE VIBES
30% Evil by nature and in practice. 70% Kind and Humble. Haponesang Pinay. Procrastinator. Unpredictable. Anime lover. Snobbish at times. Love listening to music and discovering new places with friends. By the way It's me Yen.
Proudly Pinoy! Read the Printed Word!

Free Web Counter
Dating Service
What do you want to me the most?
Eyes
Nose
Lips

powered by NewPoll

ANG TUNAY NA ALAMAT NG PINYA

israelmekaniko:

Noong unang panahon may isang babaeng nagngangalang Pinang. May nanliligaw sa kanyang isang lalaki at mahal na mahal siya nito ngunit kahit anong gawin ng lalaki, hindi makita ni Pinang ang lahat ng ginagawa nito para sa kanya dahil may ibang nagmamay ari ng kanyang puso. Sobra sobrang sakit ang naidulot nito sa lalaking nanliligaw sa kanya. At sa sobrang sakit, isinumpa niya si Pinang at ginawa niya itong prutas na may madaming mata para makita niya kung ano yung mga bagay na hindi niya makita ng dahil sa pagmamahal na patuloy na bumubulag sa kanya.

Simula noon, naglaho na ng parang bula si Pinang maging yung lalaking nanliligaw sa kanya. At kasabay ng pagkawala nito ay ang pagtubo ng prutas na may madaming mata at may matutulis na dahon sa ulo nito. At yung dahon na yon ay ang lalaking nanliligaw sa kanya. Nangako kase siya na hindi niya iiwan si Pinang hanggang sa huli. At ang matulis na bahagi ng dahon ay tanda ng sakit na naidulot ng pagmamahal na hindi kayang suklian ni Pinang.

Minsan kase kahit alam mong ikaw ang para sa kanya, dahil ginawa mo naman ang lahat maging sa’yo lang siya, sadyang may mga bagay na hindi pwedeng ipilit dahil hindi talaga siya para sa’yo at hindi kayo para sa isa’t isa. 

Huwag kang mapagod magmahal dahil ang pagmamahal habang pinaghihirapan at Pinaglalaban, mas lalong nagiging makahulugan. ♥

Minsan, akala mo simpleng tao lang siya na napapatawa ka, Di mo alam mahal mo na pala. ♥

 
Next page