Madami pang butil ng bigas ang dapat kong kainin.
Ang totoo nyan hanggang ngayon bobo padin ako pagdating sa tumblr. 8months na akong namamalagi dito but honestly speaking until now hindi ko alam kung ano ba purpose nung Queue, Kung ano ba ibig sabihin ng TA na yan. Basta ang alam ko lang ay makapag’post ako eh okay na. Hindi ko naman hinahangad maging isang tumblr famous. Okay na sakin yung naiexpress ko kung ano yung mga saloobin ko and at the same time yung may masasandalan ako sa mga panahon na pakiramdam ko eh galit sakin ang mundo. Buti na lang talaga at di ako nag’iisa kasi alam ko andyan ang mga kapwa bloggers ko na nagpapasaya sakin. :)) Especially sa mga nag’follow saken. I LOVE YOU ALL GUYS! Ü
