RadarURL ♪ POSITIVE VIBES
I need someone who won’t give up on me, no matter how hard I try to push them away.
RF: I do have a new piercing in both sides of my ears. Bale 3 pairs na lahat.
Akala ko si mama. Ibang tao na pala ka’holding hands ko.

Tandang tanda ko nung bata pa lang ako nung gumala kami ni mama sa mall. Syempre katulad ng ibang bata mahilig ako dati magpabili ng kahit na ano basta magustuhan ko. Eh nung mga panahon na yun balak ko sana magpabili sakanya ng cellphone. Habang nanonood ako at pumipili ng cellphone na ipapabili ko sana sakanya ay hinawakan ko siya sa kanyang braso ng hindi man lang tumitingin. Habang hawak ko siya ay panay pa rin ang pagpupumilit ko na ibili niya ako cellphone na gusto ko pero sa kalaunan ay meron ako naramdaman na parang kakaiba sakanya. Napaisip ako at napatanong sa sarili ko kung bakit parang ang tigas ng braso niya na parang mahahalintulad sa mga action star na malalaki at matitigas ang mga muscle sa braso. Pagkatapos nun napawakak din ako sa kamay niya, nagulat na lang ako ng mahawakan ang mabalahibo niyang kamay at dun ko napagtanto na ibang tao na pala ang kaholding hands ko. Dali dali kong kinuha ang kamay ko na nakahawak sakanya at laking gulat ko ng makita na isang lalaki na pala ang katabi ko at hindi si mama. Napaiyak na lang ako sa sobrang hiya.

RF: Left handed ako.

Sabi daw nila karamihan sa left handed magagaling when it comes sa pagdadrawing. Kaya hindi na ako magtataka kung binigyan man ako ng ganitong talento ni Lord. Hindi naman sa pagmamayabang pero nagpapasalamat talaga ako. :)

Madami pang butil ng bigas ang dapat kong kainin.

Ang totoo nyan hanggang ngayon bobo padin ako pagdating sa tumblr. 8months na akong namamalagi dito but honestly speaking until now hindi ko alam kung ano ba purpose nung Queue, Kung ano ba ibig sabihin ng TA na yan. Basta ang alam ko lang ay makapag’post ako eh okay na. Hindi ko naman hinahangad maging isang tumblr famous. Okay na sakin yung naiexpress ko kung ano yung mga saloobin ko and at the same time yung may masasandalan ako sa mga panahon na pakiramdam ko eh galit sakin ang mundo. Buti na lang talaga at di ako nag’iisa kasi alam ko andyan ang mga kapwa bloggers ko na nagpapasaya sakin. :)) Especially sa mga nag’follow saken. I LOVE YOU ALL GUYS! Ü

Minsan naiisip ko siya.

Oo, siya nga. Ang lalaking magiging ama ng mga anak ko, ang makakasama ko hanggang sa pagtanda at ang patuloy na magmamahal sakin ng walang kapaguran. The man of my Dreams ika nga. Hahahah. :) May mga pagkakataon kasi na napapaisip ako. Kung nakilala ko na ba siya. Or nakabanggaan habang naglalakad sa napakadaming tao sa mall. O di naman kaya nagpaunahan sa pila habang nagpapaenroll. O kaya naman isa lang din sa mga bumibisita sa blog ko. Lahat naman kasi tayo ay may mga taong nakalaan para maging bahagi ng buhay natin. Kahit sabihin mong hindi mo pa siya nakikita pero meron pa rin taling nakaugnay sa inyo na siyang magiging daan kung saan darating ang oras na makikilala mo din siya at makakasama. 

Madalas ako matulog ng nakadapa.

Ayun! Kahit sabihin niyo pang naiipit yung pancake sa harapan ko pero ganun talaga ko matulog eh. Feeling ko kasi malulunod ako kapag nakatihaya. Tsaka masarap talaga  sa pakiramdam ko kapag nakadapa palagi. Feel na feel ko yung unan habang niyayakap at iniisip ka. :)