Wag mong tawaging PAASA ang isang tao,
kung sa umpisa pa lang ikaw na ang NAG-ASSUME.

Ang love parang PAGKAIN. Kahit pa perpekto yung pagkaluto mo, kung WALANG PAGMAMAHAL,
hindi din ma-aappreciate ang tunay na lasa nito.

Wag mong lagyan ng BAND AID ang sugat mo kung dumudugo pa, in short,
Wag kang hahanap ng panakip butas, kung alam mong mahal mo pa siya.
Ang TIWALA ay parang STICKER. Once na natanggal mo, maaari mo pa itong maidikit ulit pero di na kasing tibay ang kapit tulad ng dati.

- GIRL: Isang chocolate sundae nga.
- CREW: Ma’am 25 pesos po.
- GIRL: (Nagbigay ng 100 pesos)
- CREW: Ma’am meron po ba kayong 5 pesos?
- GIRL: Para kang ex-bf ko, binigay ko na nga lahat ng meron ako, pero kulang pa din.
- CREW: (Na-gets yung sinabi ng girl) Ma’am hindi ko naman po sinabing nagkulang ka, minsan humihingi lang kami ng konting halaga para masuklian ka namin ng buo.
- NOBITA: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
- DORAEMON: Meron.
- NOBITA: Ah, pahiram ako.
- DORAEMON: Ayoko nga!
- NOBITA: Ang damot mo! bakit naman?
- DORAEMON: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo siya kahit gaano pa katagal. ♥
Wala naman talagang permanenteng relasyon sa panahon ngayon, pero kung iisipin mo, magiging permanente lang naman ito kung ung bawat isa sa inyo ay alam na alam ang salitang makuntento.
Ang pagmu-move on ay parang pag-inom ng gamot. Mapait pero, para sa ikabubuti mo naman.

Maiksi lang ang buhay para isipin at pagurin ang sarili mo sa mga taong hindi naman karapat-dapat na maging isyu sa buhay mo.

Wag kang umasa kung may mahal na siyang IBA. KAWAWA ka na nga, nagmumukha ka pang TANGA.

Ang LOVE ay parang PAG-AARAL. Kung di mo bibigyan ng oras hindi ka PAPASA.


